pinakuha ako ng tatay ko ng kamias kaninang umaga sa bahay ng lolo ko... pagdating ko sa kanila walang tao kundi ang Tita Beth ko at at ang makulit na si Cid... nagpaalam na lang ako kay Tita Beth...pagpunta ko sa likod ng bahay wala nang kamias... anim na piraso lang nakuha kong kamias... gagamiten sana na pampapaasim sa painakuluang tilapia... soyong!
nagsimba ako kaninang 6:30 sa Five Wounds... nakita ko lolo ko...
"A, wala nang bunga 'yon kase wala nang mga insect. Kailiangan kase ng cross-pollination para magbunga 'yun mga flower. Mataas na kase yung bakod na katabi nung Kamias kaya hindi na pinupuntahan ng mga insect..."
Ang lupit talaga ng lolo ko pagdating sa agriculture. Nakapagtapos kase siya ng Agriculture sa pagkakaalam ko. Tubong Nueva Ecija siya.
Kailangan ng Kamias Trees ang Cross-pollination para magbunga kaya wag haharangan ng bakod ang mga Kamias trees
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment