Monday, November 30, 2009

Kung Fu Panda

"yesterday is history... tomorrow is a mystery

today is a gift that's why it is called the present" - matandang pagong

Sunday, November 29, 2009

Awit ng Kabataan

"Ma'am sabi nila kabataan daw ang pag-asa ng bayan, e ba't yung mga batang 'yon matanda na ngayon... mga wala namang trabaho?" - nung high school ako

Hanggang pag-asa na lang ba ang mga batang iyon? O hanggang sa mga bata na lang ba ang pag-asa?

Monday, November 23, 2009

probinshano

sa probinsya nakakayamot talaga, kase wala kang magagawa kundi ang tumunganga
pero sadyang may mga bagay na kaayaya na dun mo lang mararanasan sa Papaya

Nakakaen ka na ba ng nilagang itlog na kakagaling lang sa sinapupunan ng inahen?
Nakakita ka ng mga pato na lumalangoy sa batis na mula sa tubig ulan?
Nakahuli ka na ng gagambang bahay tapos nilagay mo sa kahon ng posporo? Tapos pinipilit mong ilaban sa gagambang talon...
Nakatulog ka na ba sa biyahe dahil sobrang layo ng pupuntahan mo?
Nabisita mo na ba ang mga lolo't lola mo sa tuhod na halos di ka na kilala dahil sa tagal mo nang hindi bumibisita?
Nakakita ka na ng minor de edad na batang tricycle driver?
Nakaupo ka na sa inidorong walang sandalan?
Kailan ka huling uminom ng tubig na galing sa gripo?

Yea, talo ka sa lolo ko...

Amen

Panginoon turuan mo kaming manalangin lalo na sa panahon na kami ay masaya at walang problema