Wednesday, September 14, 2011

langit kapag...

nagbawas ka ng kinain sa kubeta, buo yung tae swabe

pinigil mo ang ihi mo nang matagal, tapos nung nailabas mo na, kinilig ka

naamoy mo ang piniritong tuyo na niluluto ng kapitbahay mo

gumising ka ng alas kwatro ng umaga pero 'di ka pa bumangon kasi matutulog ka ulit, tinamaan ka na ng sinag ng araw sa mukha

nanunuod ka ng pelikula sa hapon, siesta movies yung tipong pelikula ng intsik na walang sawang nagsisipaan at kumakain ng kanin sa mangkok na walang kutsara't tinidor

pinapawisan ka ng sobra, hindi ka makahinga dahil sa tagal mo nang hindi nag-exercise, pero ok lang, tapos nag-unat ka nang malupit pagkatapos

tumingala ka at nakita mong parang alon ang langit

nakainuman mo ang mga anak mong matagal mo nang hindi kilala