napagisip-isip ko na mas mahirap pala maging tamad kaysa maging masipag...
ang katamaran ay isang sakit na mahirap malunasan... kailangang maagapan bago pa ito lumalala...
isama na rin siguro ang tinatawag nilang procrastination at mga pagkahumaling sa mga distraction ng buhay...di ko nagagawa sa tamang oras yung mga dapat kong gawin...tapos nauuwe ako sa wala at mga walang kwentang bagay
pero minsan napagiisip-isip ko rin na nagiging Bisy Backson ako... ayon sa "The Tao of Pooh", ang Bisy Backson ay isang taong laging gustong may ginagawa siya... madalas gusto ko na me ginagawa ako pero wala akong motivation para gawin ang mga bagay na gusto kong gawin...feeling ko walang kwenta yun mga ginagawa ko...
pag marame akong ginagawa hinihiling ko na sana nahihiga na lang ako sa kama at natutulog...pag wala naman akong magawa, para akong sasabog na bulkan at indi mapakali...kakabad3p!
alam ko masipag akong tao...mapursige...tatapusin ang isang bagay hanggang sa matapos ito...minsan naghuhugas ng pinggan, nagtatapon ng basura...nag-aaral ng mabute...bumibile ng bigas
alam ko tamad akong tao...tamad maligo...tamad ayusin ang kama para me maayos na higaan...tamad lumabas ng bahay...tamad magsuklay ng buhok...tamad mag-ahit...tamad maghilamos ng mukha
basta napansin ko lang na masipag ako sa lahat ng bagay pero tamad ako gawin ang mga simpleng bagay na hindi mo aakalaing katatamaran pa ng isang normal na nilalang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment