Sir Llanes / Drafting - kapag cya ang naging dean, palda na ang uniform ng mga babae at glass-floored na ang eng'g building; huwag seryosohin ang buhay; maging matiyaga sa mga plates; tawa lang; mag-isip at mag-analyze kase engineer ka
Ma'am Antonio / English (a.k.a Mam "Darling") - approachable; disciplined teacher; magaling mag-english; English matters in everyday life; magaling magturo cos she doesn't go by the book; ibang klase cya magturo ng isang minor subject; the best English teacher I ever had this college
Sir Butch Carbonell / Geometry - "its the coco-fruit from the coco tree"; being an engineer doesn't necessarily mean you are a robot and you can't be flexible; an inspiring person; a great speaker; "inspire before you expire"
Ma'am Delena / Physics - maging disiplinado; always go into detail; never take things forgranted; self-study; work for your own grade; "sagutan mo lahat ng problems sa libro at kung hindi bahala ka na sa buhay mo"; kahit na muntik na ko bumagsak sa subject niya hangang-hanga pa rin ako sa kanya kase sa kanya ko naramdaman ang pagiging estudyante; hindi give-away ang mga test niya except un finals; nakakalasing siya magpatest; "no direct substitution for you my boy!" - that's why she's the best
Mr. Rambongga / Math (a.k.a "One of the Terror 3") - "bilisan mo mag-isip baka mapag-iwanan ka ng panahon"; disiplina ang kailangan tsong; bawal ma-late; me minus ang papel na walang stapler; bawal magsulat sa likod ng papel; papansin siyang professor; corny magpatawa katulad ko; minsan moody; prangko; "ituturo ko sa'yo ang mga dapat mong malaman, huwag na nating artehan ang math"; "huwag mong ipakita sa 'kin na magaling ka kase ang hahaba ng solution mo"; "for the sake of art..."; dahil sa kanya umiyak si Erwin; imbis na sagutan ni Bacosa ang test paper niya sinulatan na lang niya si sir kase wala naman siyang masagot
Mr. Abrera / Circuits - magaling siya magturo although inconsistent minsan; malupit mag-patest kase ibang-iba sa tinuro niya yung mga tanong pero masasagot ko pa ren basta mag-analyze lang ako; bagsak ako sa prelims at pati ata finals pero pumasa pa ren ako kase matataas mga quizzes ko sa kanya; dahil sa kanya napa-study group ako (great experience); nalaman kong di totoo na me minus kapag walang stapler ang test paper (panakot lang)
Ma'am Lianne Javier / TAR - ginawang interesting para sa aken ang tax at land reform; disciplinarian pero mabaet pa ren; nakuha niya ang puso ng mga mag-aaral (almost impossible for minor subjects)
Ma'am Paulino / Filipino - best Filipino teacher I ever had; color-coded lage ang suot niya; open-minded person; good speaker; speaks her opinion well; mahalaga para sa kanya ang opinion ng estudyante; she's beautiful despite her age
Ma'am Fontilla / Literature - wish we had one more literature subject with her as our prof; we'll talk about life, love, politics, current events, art, humanities; isa siyang aktibista; you can she from her ways that she has full of wisdom
Sir Viscerra / ECE 2 (a.k.a "The Love Machine") - "you miss one hundred percent of the shots you never took"; maangas pero matalinong prof at alam niya ang ginagawa niya; napakagaling magturo; mahirap pagtanungan; active sa ECE organization; inspiring professor na tipong pang - Coach Carter movie; loko-loko pero matino mag-isip; "ang aim ko e ipasa yung mga natuto" - Sir Viscerra; ipagmalaki mong ECE ka at advantage ang pagiging ECE engineer
Thursday, March 22, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment