ui pre tama na inarte, ano ba!?
" And I'm a bad boy 'cause I don't even miss her
I'm a bad boy for breakin her heart
Now I'm free, free fallin'
I wanna glide down over mulholland
I wanna write her name in the sky
Gonna free fall out into nothin'
Gonna leave this world for a while "
- John Mayer
I'm just making all these excuses para hindi na siguro ako gumawa
Ayokong hanapan ng paraan at solusyon ang mga problema ko
Ilang inspirational talks pa ba kailangan para magbago ko, gusto ko pa nga ba magbago?
Kinakalawang na utak ko sa kakaisip ng mga walang kwentang bagay, hindi na tuloy ako makausap ng matino, pero ganito pa ren ako
Naging absorbent na Nanay ko, sa lahat ng negative thoughts ko, di na ko nahiya
Tigil na this sem at mag-culinary?
Maybe I'm just finding ways para tumakas na naman...
Gusto ko na lang humiga dun sa kwarto, sarado ang pinto, sarado ang ilaw, malamig kahit may lamok, balot sa kumot, nakadikit ang likod sa pader, nakatitig sa kurtina habang gumagalaw sa hangin, madilim
Gusto ko dun sa garahe ng kapitbahay, me nakasabit na radyo sa puno, tugtugin oldies, sa ilalim ng mga dilaw na ilaw, walang alalahanin, malamig ang gabi, wag na sana matapos ang gabi
I'm writing all this down even if I don't feel like writing it, because I don't know why, maybe I'm just stallin' ...
hello nga pala sa kay panahon, sinasayang nanaman ata kita
hindi ka pde magsaya kase hindi pa fulfilled studies mo, hindi ka naman maka-aral kase tinatamad ka at feeling mo kinakalawang na utak mo
ano nang nangyare sayo? what have I become?
Sabi ko sa nanay ko kanina maging kasambahay na lang ako para madali na lang lahat, gusto ko nga kase madali lang ang lahat, nakahain na sa mesa, kakain ka na lang
Parang di ako natatauhan
Naaalala ko nun elementary pa ako, me pina-assignment si teacher, hindi ko na magawa, panic kase deadline na ata bukas kailangan ko na magawa, mamamatay na ata ako sa kaba, natulog na ko at pinagawa ko na lang sa mga magulang ko, umiiyak na ko kase baka hindi ko mapasa
lesson: hindi ko kaya tumayo sa sarile kong mga paa, akayin mo ako
Isang umaga nagising ako sa tabi ng pinto kase sa lapag kame natutulog na magpamilya. Nakaupo lang ako dun sa sulok. Good old times dun sa terrace ni Mamang na ginawang naming munting bahay. Ramdam ko ang init ni haring araw nung madaling araw. Binasa ko ilang chapter ng libro kase akala ko may quiz. Walng quiz.
Me assignment nga pala kame. Define "solid". Astig si Michael J. Fox sa pelikula niyang "Back to the Future" o "Never Ending Story" ata pinapanod ko. Basta alas-nuebe na puyat na ako. Tulog na silang lahat. Inaantok na ako. Ang haba ng definition ni Webster. Magtataas ako ng kamay bukas para mag-recite. Pinagpuyatan ko to.
Hindi ako nag-recite...
Ayoko matapos tong gabe na 'to o kaya hanggang sa Dec. 26.
Hey Mr. Sandman put me to sleep, a never ending sleep, cos I want to run away and leave this place, dun ako magaling, simulan ang isang bagay pero hindi ko naman kayang tapusin
Tuesday, December 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Araw ay magdaraan sa ‘ting mga buhay
Tulad ng buhangin, lulusot sa ‘yong mga kamay
Hawakan mang mabuti, ang agos ay tutuloy
Tulad ng dugo, ito ay dadaloy
Kaya’t ‘wag sasayangin ang iyong tinataglay
Tanganan mong mabuti ang takbo ng ‘yong buhay...
...
Hindi mababalik ang kahapon
At ang buhay ay ‘di pang-habang-panahon
-Panahon, After Image
everyone feels that way sometimes. in my case, i feel that way all the time. kaya nga sobrang down ko as in nadedepress ako date kase feeling ko sobrang napapagiwanan niyo na ko na totoo naman. pero, it'll pass. the feeling shall pass. maybe you just need a new perspective. i did. ok na ko ngayon kaya magiging ok ka den. :D
Post a Comment