para sa'n ako gumigising? huwag mo ako hayaang makalimot...
sana'y huwag na akong mabalot sa takot
pero kung magkaganun man
p'ede ba'ng sa'yo lamang....
naghihintay, naghihintay
habang nandito ako
sana sa Iyo'y di mawalay
hanggang kailan ba maghihintay
ano ba'ng tungkulin ko
di pa rin mapalagay
buksan ang aking puso't isipan
mga mata'y di na mapagkatiwalaan
mukha kasing nagbubulag-bulagan
dahil na rin sa sobrang katamaran
di ako mahilig sa kape
mapakla kasi siya (pwe!)
pero kailangan ko kasi ng onting sipa
parang amoy nito na pampagana
para sa'n nga ba ako gumigising Bro?
huwag mo sana akong hayaang makalimot...
2 comments:
subukan mong tulungang magising ang ibang tao..higit pa sa paggising siguro ang mararanasan mo..malay mo, yun pala ang saysay ng anumang meron ka ngayon dito?
tama ka dyan kaibigan. 'yan ang isa sa mga bagay na hindi ko dapat makalimutan. ang manggising ng sangkatauhan. kailangan lang talaga ng pampagana. para kahit madalas na napipilitan na lang. ok lang. basta sa pagkayamot meron akong pananggalang.
Post a Comment