Sunday, February 7, 2010

akoyon

ako 'yun... yung batang madungis kakalaro ng taguan, ng basketbol, ng teks at ng jolen

ako 'yun... yung batang hindi naliligo kase tinatamad... kahit madumi na ang t-shirt at me uod na sa kuko

ako 'yun... yung batang ang munting ligaya ay kumaen ng mainit na sabaw ng mami sa umaga o kaya gotong may itlog at binudburan ng paminta... kahit mainit aba'y sulit

ako 'yun... yung batang hindi pa ren umuuwe kahit pinapauwe na dahil mahamog na... tambay lang kasama ang tropa

ako 'yun... yung batang bilad sa araw at basa sa ulan... walang pakialam kasi wala akong orasan



hindi ako 'yun... yung batang nagsulat nito... dahil ako ay isang akademiko... ibinuhos ang panahon sa pagbabasa ng libro

No comments: