Saturday, January 16, 2010

NEO

ang galing kase para kong nasa Starship Troopers
tatlo silang magkakaibigan galing sa iisang akademya
akademya ng giyera
nang pagdating ng panahon na sila'y kailangan nang maghiwa-hiwalay
kailangan na nilang piliin ang daang dapat nilang tahakin


kanina dun sa orientation sa HP pakiramdam ko sundalo ko na isasabak na sa giyera
anlupet magsalita ng mga tao sa harap... parang movie ng Saving Private Ryan... ang bawat isa ay may posisyong dapat gampanan

bigla ko ren naalala yung Ragnarok: Choosing the Job type
pinili ko maging Priest kase trip kong maging healer
kaso trip ko ren maging Assassin pero hindi pede
astig parang ganun pala talaga sa totoong buhay
hindi pahihintulutan ng panahon na matutunan mo ang lahat
darating ka sa puntong kailangang ituon mo lang ang buong lakas mo sa isang larangan ng
kakayanan

yun tapos parang ang baduy ng post na 'to
yung mga susunod na post pagkatapos neto baka ganun na ren

pero sana lang me "Reset Skill Points"

2 comments:

magic trick said...

pwede ka magreset skill points.. kaso premium feature yun e..magastos.

animaxhristos said...

yep, sa mundo ng Ragnarok balita ko nagkakahalaga yan ng milyon-milyong zennies :D