Monday, June 9, 2008

old school lover boy

Apo: 'Pang pa'no mo nakilala si Mamang?
Lolo: E, pumunta sila sa'men nun tapos hinarana kase ng kapatid niya yun tropa nameng babae

Apo: Uso pa ba harana dun ngayon?
Lolo: Naku, hindi na. Ang uso ngayon "Tara labas tayo, nood tayo sine". Haha!

Apo: E, ikaw pa'no mo niligawan si Mamang
Lolo: Wala sulat sulat lang tsaka binibisita ko siya sa Cavite. Ayaw nga saken nun ate niya e. Pero nung tumagal nagustuhan na rin ako. Magaling kase ako sa pagkumpuni ng mga bagay-bagay. Ang ginagawa ng ate niya, parang dealer, naghahanap ng magpapaayos ng basket tapos ako yun nag-aayos. Tapos sa kanya yung bayad.

Apo: Ga'no katagal mo niligawan si Mamang
Lolo: Matagal din. Pero tumigil din ako nun napunta ako sa UP kase nagka-syota ako nun

Apo: Nakailang girlfriend ka ba 'Pang?
Lolo: Hmmm. Apat. Meron nga ako no'n dati, bata ng kaibigan ko. Tatlo kame nasa ginta yun babae, katabi niya ako at yun boyfriend niya pero ang hawak na kamay nung babae e yung kamay ko. Magkaibigan kase kame. Kilala pa ako ng mga kamag-anak niya. Me isang beses pa nga akala nanliligaw ako sa kanya. Ang nakatuluyan nun babae e isang army man.

Apo: Kailan ka ba nagkaron ng unang girlfriend?
Lolo: Siguro mga 23 years old na ako no'n. Kaya ikaw ang maganda makatapos ka muna ng pag-aaral bago ka mag-nobya

Apo: Ahhh. Mejo matagal pa dalawang taon pa...

No comments: