Wednesday, September 14, 2011

langit kapag...

nagbawas ka ng kinain sa kubeta, buo yung tae swabe

pinigil mo ang ihi mo nang matagal, tapos nung nailabas mo na, kinilig ka

naamoy mo ang piniritong tuyo na niluluto ng kapitbahay mo

gumising ka ng alas kwatro ng umaga pero 'di ka pa bumangon kasi matutulog ka ulit, tinamaan ka na ng sinag ng araw sa mukha

nanunuod ka ng pelikula sa hapon, siesta movies yung tipong pelikula ng intsik na walang sawang nagsisipaan at kumakain ng kanin sa mangkok na walang kutsara't tinidor

pinapawisan ka ng sobra, hindi ka makahinga dahil sa tagal mo nang hindi nag-exercise, pero ok lang, tapos nag-unat ka nang malupit pagkatapos

tumingala ka at nakita mong parang alon ang langit

nakainuman mo ang mga anak mong matagal mo nang hindi kilala













Wednesday, August 31, 2011

kailan

kailan mo sasabihing "bahala na"

tapos tinotoo mo?

bighani

I'm saying this again....

"you look so good it hurts sometimes..." - John Mayer

Wednesday, August 17, 2011

the mansion

sa wakas, uwian na tapos na ang eskwela

may bente pesos pa ako sa bulsa. game na!

maglalakad kami sa Villa Luningning

wala akong locker, hindi trolley ang bag ko, ok lang kahit mabigat

lagpas na kami sa bahay nina Ivan, didiretso na kami dun sa lugar na masaya

andito na hawak na namin ang aming mga daga, uupo na isa-isa

isa ako sa mga terorista, papasukin namin ang mansion nila

barilan! animnapung minuto

mamatay na, saglit ka lang naman magiging multo

galingan mo na lang sa next round pare ko

oras mo'y ubos na.... ano, extend ka pa?

Tuesday, August 16, 2011

something positive

anger management

gusfraba...

Monday, August 8, 2011

mang chic

kung chic ka, kahit 'di ka na dumiskarte... buhay ka na... walang hassle...


kindat lang ang katapat

word of the lourd

nobody's right... if everybody's wrong