Wednesday, November 24, 2010

sining

tama na'ng pag iinarte kasi di ka naman artista...

tama na'ng reklamo, isipin mo na lang kung anong magagawa mo

anjan na 'yan e... 'takte

Sunday, November 14, 2010

gin bulag

ok lang ba'ng tumitig sa'yo
ako kasi'y nabighani mo
buong araw lang naman ang hiling ko

sana pe'de kong sabihin na "ang ganda mo"
gusto ko lang malaman mo
pero hindi ibig sabihin na may gusto ako sa'yo

ikaw ang kape ko sa umaga
pupunuin ang araw ng buong gana...

favorite sin

sloth...

Sunday, November 7, 2010

tb

ang media
pambusong ng mata
baka malinlang ka

world balance

alam mo 'yung sapatos na World Balance? Hindi tungkol dun ang topic...

Tinuturan tayong lahat na magpakabuti.
Pa'no nga kung lahat ng tao naging mabuti? Isang daang porsyento. Magiging maayos nga ba ang lahat?

Kasalanan nga ba ng mga taong masasama na maging masama? Pa'no kung hindi lang pala sila pinalad at sila ang naging instrumento para umusbong ang kabutihan?

Bumili ka na lang ng Advan...

Wednesday, November 3, 2010

Hagdan

Panginoon
Pamilya
Sarili
Kaibigan
Kapwa
Anak
Asawa
Trabaho

Kalimutan na ang lahat... Huwag lang yung unang-una

Wednesday, October 20, 2010

Nescafe

para sa'n ako gumigising? huwag mo ako hayaang makalimot...
sana'y huwag na akong mabalot sa takot
pero kung magkaganun man
p'ede ba'ng sa'yo lamang....

naghihintay, naghihintay
habang nandito ako
sana sa Iyo'y di mawalay

hanggang kailan ba maghihintay
ano ba'ng tungkulin ko
di pa rin mapalagay

buksan ang aking puso't isipan
mga mata'y di na mapagkatiwalaan
mukha kasing nagbubulag-bulagan
dahil na rin sa sobrang katamaran

di ako mahilig sa kape
mapakla kasi siya (pwe!)
pero kailangan ko kasi ng onting sipa
parang amoy nito na pampagana

para sa'n nga ba ako gumigising Bro?
huwag mo sana akong hayaang makalimot...