Wednesday, October 20, 2010

Nescafe

para sa'n ako gumigising? huwag mo ako hayaang makalimot...
sana'y huwag na akong mabalot sa takot
pero kung magkaganun man
p'ede ba'ng sa'yo lamang....

naghihintay, naghihintay
habang nandito ako
sana sa Iyo'y di mawalay

hanggang kailan ba maghihintay
ano ba'ng tungkulin ko
di pa rin mapalagay

buksan ang aking puso't isipan
mga mata'y di na mapagkatiwalaan
mukha kasing nagbubulag-bulagan
dahil na rin sa sobrang katamaran

di ako mahilig sa kape
mapakla kasi siya (pwe!)
pero kailangan ko kasi ng onting sipa
parang amoy nito na pampagana

para sa'n nga ba ako gumigising Bro?
huwag mo sana akong hayaang makalimot...

Sunday, September 26, 2010

primitibo

tinabas ang mga damo
tinanggal ang mga bato
mukhang may balak silang gawin dito
magtanim ay di biro

bumalik tayo sa mga panahong hindi pera ang tinatanim para may tumubong gulay

Saturday, September 11, 2010

lipunan ng kanser

ang sakit na kanser nakakagago
tatamaan kahit sino
uubusin pera mo
pamilya mo gulong-gulo

Kahit magbilang ka pa ng oras mo
sa huli ikaw pa rin ang dedo

lupit no?

Tuesday, August 31, 2010

why the long face

So the day became one of waiting, which was, he knew, a sin: moments were to be experienced; waiting was a sin against both the time that was still to come and the moments one was currently disregarding. - Neverwhere

c/o magic trick

Sunday, August 29, 2010

picture picture

ang daming natutuwa kapag nakita nila ang sarili nila sa telebisyon...

kahit na alam nilang sila lang ang may pakialam

Friday, August 27, 2010

on being a man

You're watching a concert dvd

sitting on a blue chair...

how do you find someone whom you can share these good times with?

Sunday, August 22, 2010

spacewoman

pede mong itulog sa kama ng walang malisya

pede mo siyang haplusin, ok lang sa kanya

halikan mo sa ilong, iirapan ka lang

basta sa hapag-kainan, hayaan mo lang siyang naka-abang.