Saturday, June 13, 2009

Love Bus

Umagang kay ganda
Stretching
Kaen
Ligo
Pabango
Sabay takbo

Naghintay ako ng TAS Trans bus dun sa tapat ng Angela tapos nang may dumating sumakay ako

Nako mukang tayuan, tapos 'tong si Kuya nakaharang pa sa daan... Oops teka me chiks... Mukhang pamilyar ang mukha

Siya'y aking nasulyapan... at kami'y nagkatinginan... Tinignan ko siya... tumingin din siya sakin... tumigil ang mundo... biglang Sabat ni Kuya na nag-titiket "Dito sa likod me upuan pa"

Naalala ko date nakasabay ko na ang babaeng ito sa FX pero hindi ako nagkaron ng lakas ng loob para kausapin siya... nahiya kase ako

Ako'y nagalak kase nakita ko nanaman siya

Isa-isang nagbababaan ang mga tao na nakaupo sa harapan ng bus. Lord, is this a sign? Eto na naman si katorpehan. Umupo ka na dun sa upuan sa harapan niya at nang makita mo siya ule

Hindi nahihiya pa ren ako. Haha. (*facepalm*)

Umales na ang taong katabe ng magandang dilag. Panginoon is this really a sign? Aatakihin nanaman ba ako ng katorpehan o or am I willing to go to the next level? Tatabihan mo lang naman siya at kakamustahin. Tutal kaklase naman siya date ng ate mo. Kahit ba hindi naman kayo close. Ok lang yun. Isang pagkakataon na naman ba itong iyong palalampasin?

Tumayo ako. Lumakad. Tapos umupo ako. Next thing I knew, I was waving her "Ei!". Sa totoo lang kilala ka rin kase niya.

Nag-usap kame...

Wow ang ganda niya... sobra... short hair. pag ngumiti siya natutunaw ako... halong gilagid at ngipin ang bumabati sa akin... ang boses niya, "womanly" mejo na-intimidate ako. Natatawa siya sa mga patay na humor ko...

Hindi ako makapaniwalang nagawa ko yun... Yea! nag-level up nanaman ako. Hindi ko na tinanong celfone number nia. Sapat nang nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya. Yea!!!!!

End.

a question of existence

People say that we owe God, life...

I say I did not ask for it

Then maybe it really is the PURPOSE driven life

can we NOT exist?

"I love the Lord, He is filled with compassion... He turned to me on the day that I called
from the depths of the dark, Oh Lord save my life be my strength..."

Friday, May 29, 2009

dude where's my car

maybe I should stop acting stupid...  think straight and focus

why am I here again?... what's the purpose?

"what's my age again?..." - Blink 182



poquia!

nakakapagtaka talaga sa dinami-dami ng tindahan sa quiapo at sa Baclaran at sa mga tiangge pa'no pa kaya kumikita ang ating Pilipinong businessman? 

ilang beses na qng nawawalan ng wallet siguro oras na para pahalagahan ang pera...

mr. assuming

hindi umiikot ang mundo sa'yo at sa kung kaninuman

wala silang pakialam at wala ka ring pakialam

kanina ang sarap ng ulam

sinampalukan

Wednesday, May 13, 2009

Mamang and Friends

"magkakasama na kame since 1957 nung mga dilag pa kame... ngayon mga dalag na hihi" - yung tropa ni Mamang na taga-Valenzuela

Lima silang magkakaibigan na pinagtagpu-tagpo ng tadhana... salamat sa La Suerte

Government Warning: Cigarette smoking is dangerous for your health

Baclaran

nagpunta ko sa Baclaran kasama ko si Mamang...
why do people pray?

Bro, hindi ako pumunta dito para humingi ng pabor lang... ayaw kong gagaweng priority yun... Nagpunta ko sa mga sumusunod na dahilan:
1. Magbigay pugay sa iyo
2. Magpasalamat sa mga biyayang binigay mo saken
3. Humingi ng pabor

Hindi nakakahiyang magpakita ng pananampalataya dito... Mas nakakahiya ka 'pag hindi ka nagdasal kase bakit ka pa pumunta... Kanta lang... Basa lang

Nagpunta lang ba mga tao dito kase me hinihiling sila? Pano pa kaya ang mga taong hindi pumupunta sa ganitong klaseng lugar...

Uso na ngayon ang robotic prayer... Parang speech na lang ang pagdadasal tulad ng pari dun samen sa Five wounds... binabasa na lang niya yung homily niya tina-Tagalog lang... bwiset!

Hindi ako santo... hindi rin ako mabaet... akala mo lang

Sana lagi na lang me problema para kausap kita lagi Bro... mahirap magdasal nang walang problema

Pray it like you mean it