nung bata pa ako... sa pagkakaalam ko kay Bathala
Sunday, March 4, 2012
Saturday, February 25, 2012
canal
naglalakad ako ng nakapikit...
bukas sara ang mga mata
tiwala...
may canal pala, binti puro grasa
Thursday, December 22, 2011
anak ng?!?!
Nag-alaga ka ng mga manok at mga inahen sa pag-asang mabigyan ka nila ng maraming itlog
Binigyan ng chicken feed. Kulungan at bubong na masisilungan. Tubig.
Makalipas ang isang buwan, walang itlog, anong mararamdaman mo? anong gagawin mo?
a. Gilitan sila ng buhay hanggang mamatay tapos lutuin at gawing Sinampalukang Manok
b. Gilitan sila ng buhay hanggang mamatay tapos lutuin at gawing Tinolang Manok
c. Gilitan sila ng buhay hanggang mamatay tapos lutuin at gawing Chicken Broth
(Lord, sorry na...)
kings and queens of convenience
buti may Tv
buti may pagkain sa lamesa
buti may kama at malambot na unan
buti may prutas
buti hindi na kailangan gumawa ng gawaing bahay
buti may ilaw
buti may aircon at electric fan
buti may taga-laba
buti nakapag-aral
buti may trabaho
buti may magulang na nag-aaruga
buti may damit
buti may computer, laptop at PS3 at PSP
buti nasa bahay na may bubong
buti malusog at walang sakit
buti na lang...
pa'no kung wala, sana nga wala na lang, siguro natuto ka pang mabuhay na mag-isa
Friday, November 25, 2011
Thursday, November 10, 2011
sana pelikula
akala mo ang buhay ay parang pelikula... buhay na maling akala
unang halik na 'di na maibabalik
mukhang happy ending, pero... p'ede na
pagkakataong matagal mong hinintay, tapos... nye 'yun na 'yun
inaabangan, pinagmamasdan... sa huli'y nagkasalisihan
sino nga ba nagsabing ang buhay ay dalalawa't kalahating oras ng pelikula? ikaw lang naman 'di ba?
isipin mo na lang na libro 'yan, maigi pa
tara na sa susunod na kabanata
Subscribe to:
Posts (Atom)