Thursday, May 26, 2011

soloista

ba't maganda ang reverb sa CR?

Tuesday, May 17, 2011

busy backson

lagi na lang akong may ginagawa, sila parang wala

natapos na ang araw

sila may nagawa, ako wala...

quiapo

ang tindahan sa Pilipinas parang kabute...
para namang may bibile...


family computer

ang buhay hindi parang video game
walang 1up, walang hundred lives

hindi ka p'edeng bumalik sa stage 1, wala ring cheat para makarating agad kay King Kupa
walang walkthrough

bawal umulit, bawal magsave

walang pause.....

pero may select at start.


Saturday, April 23, 2011

boksingero

Nanay Dionisia: Manny, sa sobrang pamimigay mo baka maubusan ka na niyan...
Pacquiao: 'Nay hindi naman natin 'yan madadala sa langit ...

Sunday, March 13, 2011

riles

ako si Toto
nakita ko si Notnot
hinamon niya ako sa isang duelo
paunahan magbisikleta hanggang sa dulo
sa akin ang mundo
walang takot sa bilis ng takbo


ako ngayon si Inhinyero
wala na 'yung bisikleta ko
'di na sa akin ang mundo
pero bakit ang bilis pa rin ng takbo

klasik

punta tayo sa Paco Park, makinig sa classical music... tayo lang