Sunday, December 2, 2007

final fantasy 12

can't sleep... still, one of those nights of insomniac attacks... leche talaga pag nalilipasan ng antok...

"parang ayoko na manalo... kahit kaya ko ayoko pa rin..."
"cguro napapansin mo na na naiinis ako pag patalo ka sa Dota..."

ang sarap maging bata... puno ng mga pangarap at ng pagkasabik... mahirap pala mawalan ng isang bagay na hinahangad o kaya mga bagay na gusto mong gawin

mahirap kapag wala ka nang gustong gawin sa buhay mo...
lahat ng bagay madaling pagsawaan kase wala namang bago

ikaw ano ba ang gusto mo sa buhay mo?...
gusto ko nang laruan...

final fantasy series
FF7 - Graphics: 7 Gameplay: 8 Storyline: 10
FF8 - Graphics: 7.5 Gameplay: 7 Storyline: 8
FF9 - Graphics: 9.5 Gameplay: 7.5 Storyline: 6.5
FF10 - Graphics: 10 Gameplay: 7 Storyline: 6
FF12 - Graphics: 10 Gameplay:10 Storyline:6.5

gusto ko lang i-emphasize at ipaalam sa mga game creators na despite the great graphics and gameplay the story is what matters most... yun ang magdadala sa isang player sa kanyang "huling pantasya"

the game story defines the acronym RPG (Role-Playing-Game) which makes the gamer one with the game character... ang hirap na kase maghanap ng larong tatapat sa Metal Gear at Final Fantasy 7

ambience

here in my room...
in here walking down that hallway...
in here one morning staring at the bright blue sky...
in here feeding mongrel cats watching the starry skies...

trying to grasp that word called "moment"... defined by overwhelming feelings of peace and serenity...

the LONer Syndrome

symptoms:
1. staying away from large crowds
2. choking everytime you try to speak out words
3. suddenly becoming silent... too silent
4. starting to feel worthless

Girls Day Out

ang sarap isipin na magkakasama-sama ang tatlong naggagandahang dalagita ng kani-kanilang mga henerasyon sa araw na itinalaga para kay Mang Andres

maligayang kaarawan Dada!

Wednesday, November 7, 2007

liar Liar pants on Fiar!!!

hindi ko alam kung baket pero feeling ko e di ko dapat sinulat yung last entry ko before this kase ....

ang masasabi ko lang sa mga makakabasa nitong mga nakasulat dito... yun mga naliligaw e sa kasalukuyan e hindi mapagkakatiwalaan ang mga nakasaad dito sa blog na ito... dala lamang ng matinding damdamin ang mga nakalagay rine...

i tend to push everyone away... i'm not afraid of commitments... i just don't want making any, not unless its necessary... this pertains to relationships and responsibilities...

indecisive, lacks willpower, blah blah blah

wala ko sa depressive mood para gawin itong entry na 'to

My God and my family makes me happy

Thursday, November 1, 2007

the let go art

too nostalgic about remembering the past...
too excited for what's gonna happen tomorrow...

e pano na ngayon???

"you look so good it hurts sometimes..." - John Mayer

ang daming pedeng gawen pero ayoko namang gawen:
1. playstation
2. magbasa ng libro about exorcism
3. samahan si nanay manood ng tv
4. matulog
5. lumabas sa labas at magliwaliw, samantalahin ang pagkakataon na pinayagan ako ni inay na magliwaliw nang hindi siya napipilitang payagan ako
6. pumunta ng sementeryo at dalawin si Papa Roger
7. maglakad papuntang mini-stop
pero gusto ko sana may kasama ako pero di ko alam kung sino dapat ang isama ko... tapos inaantok pa 'ko

pde ko na ba i-try magka-girlfriend??? kaso parang hindi pa talaga e kahit gusto ko na magkaron...

minesweeper...

common name ba ang Alex o ako lang yun...

"ano ba ang gusto mo... mas bata sa'yo, kasing-edad mo, o mas matanda sa'yo???"

am i really trying to be true to everyone or am i just ending up trying to please everyone???... (shit!)

"well i never meant to brag... but i've gotten what i wanted now... well it was never my intention to brag... stealin' all the way from you now... but god does it feel so good cos i've gotten what i wanted now... and if you could then you know you would... but god it just feels so good", Paramore

why am i singing... is it for You... or is it for me...

killer smile

buti na lang natandaan ko... a big SELF-RESPECT nga pala

Saturday, June 16, 2007

06152007-2130?

Pa,

Happy Father's Day!... Maraming salamat sa lahat... Lagi ka naming ipinagdarasal... Hinihiling ko na bigyan ka ni Lord ng malakas na pangangatawan at mabuting kalusugan...

Nagsimula na klase namen... mejo me hangover pa ren ng bakasyon... nagbabasketbol pa ren ako araw-araw pagkagaling sa school... Nalaglag ko nga pala yung salamen ko sa FX, natutulog kase ako tapos nilagay ko sa case tapos nilagay ko sa bulsa ko... Pagbaba ko sa may Manila City Hall pagkapa ko sa bulsa ko wala nang laman, panyo na lang... Kaliwang bulsa nga pala yun... Huli na para tawagen yung FX driver... Malabo na rin yung nakikita ko...

Pagpasok ko sa eskwela... Anglabo nila lahat... Mejo masisipag lahat ng prof kase umatend sila lahat sa mga klase kahit walang lecture... Date kase kapag first week me mga professor na hindi pumapasok ng first day... Nang pauwe na ako nagpasama ako sa kaklase ko bago sumakay ng jeep kase di ko makita yung plakard... Bute naman nakauwe ako ng matiwasay... Pagkasabe ko kay nanay bute hindi ako pinagalitan... Maingat naman kase ako sa salamin... Dependent kase ako sa salamen... Nagkataon lang talaga na minamalas... O sadyang tanga lang talaga ko

Out muna nga pala ko sa choir... Hindi lang dahil sa pasukan na... Hirap kase akong maka-commit sa mga practices tuwing linggo... Hindi ko pa ren maibagay ang sarile ko sa kanila... Nahihiya pa rin ako... Kahit kay Romina na ka-batch ko sa Don Carlo hindi ko rin makausap ng matino... Hindi ko rin sigurado kung babalek nga ako sa Koro... Pero alam ko gusto ko kumanta tuwing magmimisa...

Shooter na nga pala 'ko sa basketbol... Nag-iimprove na rin offense ko, hindi na kabado... mejo nabawasan ang defense kase defensive defense ang ginagawa ko... Binabawasan ko na ang talon... Parehong paa na kase ang natapilok... Sa kasalukuyan natamaan ng bola un mga daliri ko sa paa... Mejo namamaga pero tuloy pa rin ang basketbol ko... Basketbol Shoes nga pala Pa ang sunod... hehe... natatapilok ata ako sa sapatos ko ngaun e... Dito na lang tayo bumile kahit sa Ruins lang dyan sa may Paranaque... Madalas nga pala ako kumaen ng balot ngaun... Nararamdaman ko kaseng ang hihina ng tuhod ko.. Kaya rin siguro ako madalas matapilok... Masama ba ang balot pag ginabe-gabe?

GOD BLESS.... WE LOVE YOU VERY MUCH... WISH YOU WERE HERE

Toto