Sunday, December 2, 2007

ambience

here in my room...
in here walking down that hallway...
in here one morning staring at the bright blue sky...
in here feeding mongrel cats watching the starry skies...

trying to grasp that word called "moment"... defined by overwhelming feelings of peace and serenity...

the LONer Syndrome

symptoms:
1. staying away from large crowds
2. choking everytime you try to speak out words
3. suddenly becoming silent... too silent
4. starting to feel worthless

Girls Day Out

ang sarap isipin na magkakasama-sama ang tatlong naggagandahang dalagita ng kani-kanilang mga henerasyon sa araw na itinalaga para kay Mang Andres

maligayang kaarawan Dada!

Wednesday, November 7, 2007

liar Liar pants on Fiar!!!

hindi ko alam kung baket pero feeling ko e di ko dapat sinulat yung last entry ko before this kase ....

ang masasabi ko lang sa mga makakabasa nitong mga nakasulat dito... yun mga naliligaw e sa kasalukuyan e hindi mapagkakatiwalaan ang mga nakasaad dito sa blog na ito... dala lamang ng matinding damdamin ang mga nakalagay rine...

i tend to push everyone away... i'm not afraid of commitments... i just don't want making any, not unless its necessary... this pertains to relationships and responsibilities...

indecisive, lacks willpower, blah blah blah

wala ko sa depressive mood para gawin itong entry na 'to

My God and my family makes me happy

Thursday, November 1, 2007

the let go art

too nostalgic about remembering the past...
too excited for what's gonna happen tomorrow...

e pano na ngayon???

"you look so good it hurts sometimes..." - John Mayer

ang daming pedeng gawen pero ayoko namang gawen:
1. playstation
2. magbasa ng libro about exorcism
3. samahan si nanay manood ng tv
4. matulog
5. lumabas sa labas at magliwaliw, samantalahin ang pagkakataon na pinayagan ako ni inay na magliwaliw nang hindi siya napipilitang payagan ako
6. pumunta ng sementeryo at dalawin si Papa Roger
7. maglakad papuntang mini-stop
pero gusto ko sana may kasama ako pero di ko alam kung sino dapat ang isama ko... tapos inaantok pa 'ko

pde ko na ba i-try magka-girlfriend??? kaso parang hindi pa talaga e kahit gusto ko na magkaron...

minesweeper...

common name ba ang Alex o ako lang yun...

"ano ba ang gusto mo... mas bata sa'yo, kasing-edad mo, o mas matanda sa'yo???"

am i really trying to be true to everyone or am i just ending up trying to please everyone???... (shit!)

"well i never meant to brag... but i've gotten what i wanted now... well it was never my intention to brag... stealin' all the way from you now... but god does it feel so good cos i've gotten what i wanted now... and if you could then you know you would... but god it just feels so good", Paramore

why am i singing... is it for You... or is it for me...

killer smile

buti na lang natandaan ko... a big SELF-RESPECT nga pala

Saturday, June 16, 2007

06152007-2130?

Pa,

Happy Father's Day!... Maraming salamat sa lahat... Lagi ka naming ipinagdarasal... Hinihiling ko na bigyan ka ni Lord ng malakas na pangangatawan at mabuting kalusugan...

Nagsimula na klase namen... mejo me hangover pa ren ng bakasyon... nagbabasketbol pa ren ako araw-araw pagkagaling sa school... Nalaglag ko nga pala yung salamen ko sa FX, natutulog kase ako tapos nilagay ko sa case tapos nilagay ko sa bulsa ko... Pagbaba ko sa may Manila City Hall pagkapa ko sa bulsa ko wala nang laman, panyo na lang... Kaliwang bulsa nga pala yun... Huli na para tawagen yung FX driver... Malabo na rin yung nakikita ko...

Pagpasok ko sa eskwela... Anglabo nila lahat... Mejo masisipag lahat ng prof kase umatend sila lahat sa mga klase kahit walang lecture... Date kase kapag first week me mga professor na hindi pumapasok ng first day... Nang pauwe na ako nagpasama ako sa kaklase ko bago sumakay ng jeep kase di ko makita yung plakard... Bute naman nakauwe ako ng matiwasay... Pagkasabe ko kay nanay bute hindi ako pinagalitan... Maingat naman kase ako sa salamin... Dependent kase ako sa salamen... Nagkataon lang talaga na minamalas... O sadyang tanga lang talaga ko

Out muna nga pala ko sa choir... Hindi lang dahil sa pasukan na... Hirap kase akong maka-commit sa mga practices tuwing linggo... Hindi ko pa ren maibagay ang sarile ko sa kanila... Nahihiya pa rin ako... Kahit kay Romina na ka-batch ko sa Don Carlo hindi ko rin makausap ng matino... Hindi ko rin sigurado kung babalek nga ako sa Koro... Pero alam ko gusto ko kumanta tuwing magmimisa...

Shooter na nga pala 'ko sa basketbol... Nag-iimprove na rin offense ko, hindi na kabado... mejo nabawasan ang defense kase defensive defense ang ginagawa ko... Binabawasan ko na ang talon... Parehong paa na kase ang natapilok... Sa kasalukuyan natamaan ng bola un mga daliri ko sa paa... Mejo namamaga pero tuloy pa rin ang basketbol ko... Basketbol Shoes nga pala Pa ang sunod... hehe... natatapilok ata ako sa sapatos ko ngaun e... Dito na lang tayo bumile kahit sa Ruins lang dyan sa may Paranaque... Madalas nga pala ako kumaen ng balot ngaun... Nararamdaman ko kaseng ang hihina ng tuhod ko.. Kaya rin siguro ako madalas matapilok... Masama ba ang balot pag ginabe-gabe?

GOD BLESS.... WE LOVE YOU VERY MUCH... WISH YOU WERE HERE

Toto

Monday, April 23, 2007

hindi tuwid utak ko pare

10 Am:
isangdaang piso para pang-ambag sa pag-bake ng cookies pero tulog pa si joanne...sumakay ako ng bike ni meg...napakainit...ansagwa ng cap ko, hindi bagay sa aken...nagdadalawang-isip kung maliligo na ba o hindi kase me kausap si papa na insurance seller...

11Am:
artwork...nagfit ako ng tee-shirt...ansagwa ng itsura ko a...mukang stressed...anak ng!...me itim pang nakapalibot sa bibig ko..."tough one"..."rock absolutely"..."legendary master of martial arts"...samurai..."how's my driving"...mini-skirt..."whoa!" dalawang bundok...

bumile si papa ng bagong patungan ng t.v.... me tama yung set...badtrip...sayang oras...sayang isang oras...sayang pera...kausap pa nung salesman tatay ko...matinong usapan na igagawa ng tv (di ko alam yung pangalan...) tapos ganun lang...me sira rin...anak ng!

tanga ako alam ko...pde namang hindi pero nagpapakatanga pa rin ako...pano kung hindi ako nagpakatanga...magiging bato ba ako

6Pm:
nakakagulat...dumating nanaman sa bahay si joanne ng biglaan...kakahiya sa kanya kase nagpunta pa sa amin galing angela, dala niya yung aso niya...ako na sana mag-aabot ng ambag ko sa pag-bake ng cookies kaso andito na siya e...hindi ko alam kung paano ako mag-aact sa harap niya at sa harap ng pamilya ko...naiilang ako na dumating siya sa bahay...baka iniisip niya na ikinahihiya ko siya...ang hirap kase...bagong kilala lang tapos babae pa...nakaw!...pambihira...bibigyan niya kame ng baked cookies...taste test para sa ibebenta ng koro na cookies...sabi ko ako na kukuha...nahihiya ako sa kanya...sana naging makahiya na lang ako...dun ako magaling...pero ayun dumating sila, kasama si kuya dekdek...hinatiran kame ng baked peanut cookie with peanut, oatmeal, choco chip, plastic container with green lid

12Am:
parang ayoko na mag-dota...ambano e...gusto ko maglabas ng galit...ambano e...counter na lang!...ambano e..."di naman maglalaro ng counter 'yang mga 'yan e"...ayoko mag DarkRO...hindi ko trip ang DarkRO...yung mga trip nila hindi ko talaga trip din... ano nga ba trip ko?... ano nga ba gusto ko?... bakit tahimik na naman ako kanina habang nagkukuwentuhan sila tungkol sa DarkRO...bakit parang di ata ako marunong makibagay?... karamihan sa tawa ko peke...hindi ako magaling sa kahit ano...bakit hindi kame mag-click ng kapatid kong si Coco...si Toto naman ako...o pride chicken ko lang umeeksena

gusto ko makachat si ronah...me itatanong lang ako...kaso hindi siya online...soyong!...itatanong ko lang..."bakit kapag sa chat andami kong masabe sayo pero pag kaharap na kita wala naman akong masabe"

paales na si papa...ginawa ko naman ang best ko...sa tingin ko lahat naman kame...sawa na ako sa pride chicken...kaso adik ako dun...parang droga ang bisa...demonyo, pde bang umales ka na sa buhay ko...Lord pde Kayo na lang sa puso ko...hindi ko na kaya ito...kalaban ko ang sarile ko

seminary?... kanina lang parang gusto ko nang ituloy e... dala lang siguro ng naipon na emosyon...walanjong dota yan... nat -trigger yung frustrations ko...ambano e!

huy asan ka na? magpakita ka naman...